Sinisiyasat ng isang tauhan ng SOCO team ang bangkay ng suspek na holdaper ng isang Grab driver matapos siyang tumimbuwang nang makipagbarilan sa mga pulis na aaresto sa kanya sa Pasig City, kahapon ng mada-ling araw.
(Kuha ni Non Alquitran)
Holdaper ng Grab driver utas sa parak
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - July 30, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tumimbuwang ang isang lalaki na sinasabing nangholdap sa isang Grab driver matapos siyang pumalag sa mga otoridad na aaresto sa kanya naganap sa Brgy. Maybunga, lungsod ng Pasig, kahapon ng madaling araw.

Agad na nasawi ang suspek na kinilalang si Efren Abrasado, Jr., nasa hustong gulang, residente ng Job St., Martinville, Manuyo 2, Las Piñas City, habang nakatakas naman ang kanyang hindi pa nakikilalang kasamahan.

Sa ulat ng pulisya, bago naganap ang shootout dakong alas-3:45 ng madaling araw sa Guanio Compound, kanto ng C. Raymundo Avenue,  Brgy. Maybunga ay nagpapahinga noon ang biktimang si Antonio Alison, Grab driver, sa loob ng kanyang silver na Mitsubishi Mirage (NP-9413) sa F. Carunzo St., kanto ng C. Raymundo Avenue, sa Brgy. Caniogan, Pasig City.

Dito ay bigla na lang binuksan ng mga suspek ang hara­pang pintuan ng sasakyan sabay ng pagtutok ng baril at pwersahang kinuha ang kanyang wallet na may lamang P510 at mahahalagang dokumento.

Nang umalis ang mga suspek ay kaagad namang nagtungo sa tanggapan ng Eastern-Criminal Investigation Detection Group (CIDG) si Alison, at inireklamo ang naganap na holdapan.

Mabilis na rumesponde ang mga otoridad sa lugar hanggang sa mamataan ang mga suspek, batay sa deskripsiyong ibinigay ng biktima.

Nang aarestuhin ang mga suspek ay nanlaban ito at pinaputukan ang mga pulis na napilitang gumanti na nauwi sa pagkamatay ni Abrasado, ngunit nakatakas naman ang kanyang kasamahan.

Narekober ng mga pulis mula sa lugar ang isang kalibre .38 revolver na may tatlong bala, ang gray na wallet ng suspek, gayundin ang itim na wallet ng biktima.

GRAB DRIVER HOLDUP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with