Opisyal at tauhan ng BuCor, bawal magdala ng communication devices

Ito ay base sa direktiba ni BuCor director, retired General Ronaldo “Bato” Dela Rosa.
Joven Cagande

MANILA, Philippines — Bawal nang magdala ng personal communication devices tulad ng cellphones, tablets, pocket wi-fi at laptop ang mga opisyal at kawani ng Bureau of Corrections (BuCor) sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

Ito ay base sa direktiba ni BuCor director, retired General Ronaldo “Bato” Dela Rosa.

Aksyon ito  ni Dela Rosa matapos na makatanggap ng impormasyon na ilan aniyang kawani ng BuCor ay pinapayagan nitong ipagamit sa ilang inmates ang kanilang personal electronic gadget kapalit ng bayad na salapi.

“Verified information disclosed that certain BuCor personnel allow the use of their personal communication devices to some Persons Deprived of Liber­ty (PsDL) in exchange for monetary considerations, thereby, indirectly condoning PsDL to continue their illegal tran­sactions outside the national penitentiary,” ito ang nakasaad sa  memo.

Kaya nga base sa kautusan  bawal nang  magdala ng mga electronic gadget ang mga opisyal at kawani ng BuCor kapag pumasok sila sa prison compound.

Binalaan ni Dela Rosa ang  mga opisyal at kawani ng BuCor, na mananagot ang mga ito sa kanya kapag sila ay nahuli.

Bukod sa NBP, kabilang din sa inisyuhan ng memorandum ni Dela Rosa ay ang Correctional Institution for Women, Prison and Penal Farms sa  Davao, Iwahig, San Ramon, Sablayan  sa   Leyte.

Show comments