^

Metro

LRT-1, nagpatupad ng limitadong operasyon

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
LRT-1, nagpatupad ng limitadong operasyon
Ayon kay Rod Bulario, operations director ng LRT-1, dakong alas-8:00 ng umaga nang mapilitan silang pababain ang may 100 pasahero sa Libertad Station sa Pasay City dahil sa pag-spark ng source of power o contact wire sa naturang istasyon.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Nagpatupad ng limitadong operasyon ng kanilang mga tren ang pamunuan ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) kahapon matapos na magka-problema dahil sa suplay ng kuryente dahil sa nasirang contact wire sa area ng Pasay City.

Ayon kay Rod Bulario, operations director ng LRT-1,  dakong alas-8:00 ng umaga nang mapilitan silang pababain ang may 100 pasahero sa Libertad Station sa Pasay City dahil sa pag-spark ng source of power o contact wire sa naturang istasyon.

Sa abiso ng LRT-1, sinabi nito na kinailangan nilang isara ang suplay ng kuryente sa bahagi ng Libertad Station, upang bigyang-daan ang pagkukumpuni sa nasirang contact wire doon.

Bunsod naman nang pagkukumpuni ay nalimitahan ang biyahe ng mga tren ng LRT-1, na noong una ay mula Central Terminal Station, sa Maynila lamang hanggang sa Roosevelt Station sa Quezon City, ngunit pagsapit ng alas-10:00 ng umaga ay ipinatupad na ito sa pagitan ng United Nations Station sa Maynila at Roosevelt Station sa Quezon City.

Habang isinusulat ang balitang  ito ay tuloy pa rin ang implementasyon ng limitadong operasyon.

Kasalukuyan na rin umano nilang iniimbestigahan ang pinag-ugatan nang pagkasira ng naturang linya ng kuryente.

vuukle comment

LIGHT RAIL TRANSIT LINE 1

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with