^

Metro

Enforcer na nangotong sa dayuhan sibak, kakasuhan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Enforcer na nangotong sa dayuhan sibak, kakasuhan
Kasong extortion ang kakaharapin ni Ferdinand Borja, 50, nang mahuli sa aktong nangongotong sa isang dayuhan na nakilala lamang sa pangalang ‘Mister Albert’ dakong alas-9 ng umaga sa panulukan ng Dimasalang at Aurora Blvd. sa Blumentritt, Sta.Cruz, Maynila.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Maliban sa pagkakasibak sa puwesto, mahaharap din sa kasong kriminal ang enforcer ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) matapos ang ginawang pangongotong sa isang dayuhan sa Maynila noong Hulyo 16.

Kasong extortion ang kakaharapin ni Ferdinand Borja, 50, nang mahuli sa aktong nangongotong sa isang dayuhan na nakilala lamang sa pangalang ‘Mister Albert’ dakong alas-9 ng umaga sa panulukan ng  Dimasalang at Aurora Blvd. sa Blumentritt, Sta.Cruz, Maynila. 

Ayon kay  MTPB Chief Dennis Alcoreza sinita ni Borja ang dayuhan dahil coding subalit nakiusap ang Pinay na misis ng dayuhan na bayaran na lang ang violation.

Nagsimula ang argumento nang kuwestiyunin ng dayuhan kung bakit wala sa OVR ang P2,000 na kanilang ibinayad.

Dito na sinabi ni Borja na  iyon ang tinatawag na ‘aregluhan’. Agad na pinasibak ni Alcoreza si Borja at tinanggalan ng paniket.

Dahil dito sinabi ni Alcoreza na  inutos na niya ang pagsasailalim sa training ng lahat ng mga traffic enforcer upang maisaayos ang kanilang sistema at madagdagan pa ang kaalaman sa kanilang tungkulin.

Binawi rin ang kanilang mga Official Violation Receipt (OVR) at pansamantalang binigyan ng awtoridad na maniket ay ang mga tauhan ng Manila District Traffic Enforcement Unit na pinangungunahan ni PC/Insp. Alejandro Pelias at mga traffic enforcers ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).  Giit ni Alcoreza, tuloy pa din ang pagmamando ng mga MTPB traffic enforcers sa lungsod ng Maynila ngunit wala na silang awtoridad na magtiket sa mga mahuhuli nilang lalabag sa batas trapiko.

vuukle comment

MANILA TRAFFIC AND PARKING BUREAU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with