^

Metro

‘Segregation’ sa basura mahigpit nang ipatutupad sa Maynila

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
�Segregation� sa basura mahigpit  nang ipatutupad sa Maynila
Gabundok na basura ang tumambad sa mga residente ng Maynila matapos itong anurin sa Manila Bay dahil sa malalakas na hampas ng alon bunsod ng sunud-sunod na pag-ulan at masungit na lagay ng panahon.
(Kuha ni Edd Gumban)

MANILA, Philippines — Hihigpitan na ng pamahalaang lokal ng Maynila ang pagpapatupad sa “segregation” ng mga basura sa lungsod upang maiwasan ang pagbabaha at pagkakaroon ng sakit.

Ito ang tiniyak ni Manila Mayor Jospeh “Erap” Estrada bunsod na rin ng problema ng basurang kinakaharap ngayon ng lungsod.

Ayon kay Estrada, kung gagawin ng bawat bahay ang segregation o paghiwa-hiwalay, magiging maayos din ang sistema ng koleksiyon nito ng mga truck. Kailangan aniya  na magkaroon ng disiplina sa pagtatapon ng basura  upang maiwasan ang mga pagbaha at pagkakasakit. Nagtataka siya kung bakit sa ibang lungsod ay nagagawa ng mga residente ang segregation. Kailangan din umano na magmula sa mga barangay  officials ang pagtuturo at pakikipag-ugnayan sa mga residente ng kanilang nasasakupan.

Sinabi naman ni Department of Public Services chief Che Borromeo na  madalas ding pinaaalalahanan ang mga residente na hintayin ang oras ng dating ng truck  bago ilabas ang mga basura. Nagtatagal aniya ang paghahakot kung may mga basurang nakakalat sa daan na kailangan pang palahin.

vuukle comment

JOSPEH “ERAP” ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with