^

Metro

Free parking ng senior citizens, PWDs matatagalan pa -- Manila Dad

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Free parking ng senior citizens, PWDs matatagalan pa -- Manila Dad
Ito’y matapos na mabinbin sa loob ng halos dalawang taon ang Draft Ordinance No.7789 na maglilibre sa mga senior at PWDs“ sa buong lungsod ng Maynila sa initial rate parking fees sa lahat ng mga establisimento, malls, hospitals, parking areas at iba pang kahalintulad na lugar at pagmultahin ang mga lalabag dito.

MANILA, Philippines — Matatagalan pa bago malibre sa initial rate parking fees ang mga  senior citizens at Persons With Disability (PWDs) sa mga establisimento sa lungsod ng Maynila.

Ito’y matapos na mabinbin sa loob ng halos dalawang taon ang Draft Ordinance No.7789 na  maglilibre sa mga senior at PWDs“ sa buong lungsod ng Maynila sa initial rate parking fees sa lahat ng mga establisimento, malls, hospitals, parking areas at iba pang kahalintulad na lugar at pagmultahin ang mga lalabag dito.

Batay sa dokumentong nakalap ng Pilipino Star Ngayon, September 2016 pa huling naisalang sa 1st  reading ang draft ordinance at hanggang ngayon ay hindi pa naisasalang sa 2nd reading sa city council. Naisumite lamang ito sa Committee on Ways and Means at Committee on Laws subalit hindi rin umano naaksiyunan.

Nabatid na ang draft ordinance ay inihain ni Manila   4th District Councilor Wardee Quintos sa layuning mai-bigay ang  pribilehiyo sa mga senior citizens at PWDs.

Paliwanag ni Quintos, karapatan ng mga senior citizens at PWDs na maibigay ang pribilehiyong ito  tulad na rin ng ipinatutupad ng national government   sa lahat ng mga senior citizens at PWDs sa buong  bansa. Ani Quintos nais lamang niyang magkaroon ng sariling batas ang  Maynila sa parking fees para sa  mga senior citizens ng lungsod.

Para kay Quintos, “urgent” ang  nasabing ordinansa lalo pa maraming senior citizens sa  lungsod na gustong magamit ang kanilang  20% discount.

Umaasa din si Quintos na  maisasalang na sa  2nd reading ang draft ordinance na matagal nang  hinihintay ng mga senior citizens at PWDs ng  lungsod ng Maynila.

Napag-alaman na ang Majority Floor Leader umano ang nagdedesisyon kung ano ang mga agenda na ika-calendar o didinggin sa city council.

vuukle comment

FREE PARKING NG SENIOR CITIZENS AND PWDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with