^

Metro

Panghuhuli sa trike na ‘school service’, tuloy

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magpapatuloy ang panghuhuli ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga tricycle na ginagawang ‘school service’ at pumapasada sa mga national highway.

Ito ay sa kabila ng pa­kiusap ng mga TODA (Tricycle Operators and Drivers Association) sa lungsod ng Quezon na magkaroon muna ng da-yalogo sa MMDA upang maiparating ang kanilang mga hinaing.

Sinabi ni MMDA Special Task Force comman-der, Col. Edison Nebrija na mahigpit nilang ipatutupad ang mga panuntunan base sa mga umiiral na batas tulad ng regulasyon sa mga school service at pagbabawal sa mga tricycle sa mga national highways.

“Tricycle cannot be contracted as school service tapos may monthly payment, hindi namin papayagan iyon. Karaniwan diyan siksikan ang mga estudyante, overloading, kapag may nangyari, mananagot ang tricycle driver at operators,” ani Nebrija.

Matatandaan na nasa 157 tricycle drivers ang hinuli at tinikitan ng MMDA sa Commonwealth at Kapinunan Avenue nitong nakaraang Sabado na umani ng batikos sa ahensya buhat sa mga tsuper na na­walan umano ng pagkakakitaan at mga magulang na nahirapang papasukin ang mga anak sa paaralan.

Inihayag din niya na may ipinatutupad ang Pamahalaang Lungsod ng Quezon na ordinansa na pinapayagan ang mga tricycle na dumaan sa Katipunan Avenue ngunit sa mga gilid lamang ng highway.

Napabayaan din uma­­no ang batas dahil bukod sa gumigitna ang mga tricycle sa Katipunan Ave., ay lumalampas din ang mga ito sa lugar ng kanilang biyahe na umaabot pa sa Aurora Blvd.

Wala naman uma­nong problema ang MMDA sa koordinasyon sa Department of Public Order and Safety (DPOS) na inaasahang maipatutupad na ng maayos ang ordinansa sa kanilang tulong.

vuukle comment

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with