^

Metro

Sunog sa Maynila: 50 pamilya nawalan ng tahanan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa 50 pamilya ang nawalan ng tahanan matapos na matupok ng apoy ang 15 kabahayan sa naganap na sunog sa Sta. Cruz, Maynila, ka­maka lawa ng gabi.

Sinabi ni Fire Senior Inspector Reden Alumno ng Manila Fire Department, pasado alas-10:00 ng gabi nang magsimula ang sunog sa ika-3 palapag ng bahay na may kalumaan na at yari lang sa light materials sa No. 1281 Interior 35 Tambunting St., Sta Cruz, Maynila.

Hawak ng Arson Investigation Section ang isang Leo Sarmiento alyas “Kembo”, binata, na siyang iniimbestigahan kaugnay sa sunog na nagmula sa kanilang tahanan sa ikalawang palapag.

Nabatid na hindi pa umuuwi ang ama ni Leo na si Buboy Sarmiento, hiwalay sa asawa, habang ang mga menor-de-edad naman ay nasa labas nang masunog ang kanilang bahay.

Walang kuryente ang nasabing bahay dahil wala umanong pamba­yad sa “E-Load ng Meralco” kaya kandila ang nagsilbing liwanag ng kanilang bahay subalit iniwan ito nang walang bantay at natum­ba sa tabi ng lumang kutson.  

vuukle comment

FIRE SENIOR INSPECTOR REDEN ALUMNO NG MANILA FIRE DEPARTMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with