P40-M puslit na sapatos, beauty products nasabat

MANILA, Philippines — Nasa P40 milyong piso halaga ng beauty products, branded rubber shoes at iba pang ‘smuggled items’ ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa iba’t ibang bode­ga sa bisinidad ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Iprinisinta ni BOC-NAIA Customs District III Collector Carmelita ‘Mimel’  Talusan kay Commissioner Isidro Lapena ang 27 balikbayan boxes na naglalaman ng mga kontrabando kung saan ay dumating ang mga ito sa Pilipinas mula sa magkakahiwalay na petsa. Ayon kay Talusan, ang mga balikbayan boxes na naglalaman ng ‘smuggled items’ ay kinabibilangan ng 6,500 beauty products na nagmula sa Abu Dhabi.

Ang mga ito ay Goree Day and Night Whitening Cream, Goree Beauty Cream, Goree Lotion, soaps and make up kits, at Glutathione products na nagkakahalaga umano ng P38 million.

Bukod dito ay nasamsam din ng Customs authority ang iba’t ibang branded rubber shoes tulad ng Nike, Adidas at iba pa na galing sa Italy subalit gawang China ang mga produkto.

Samantala, mahigit 1,110 skimming devices din ang nasabat ng mga awtoridad mula sa apat na terminal ng NAIA sa loob lamang ng pitong buwan. Ito ang ginagamit ng mga sindikato upang mailipat nila ang kanilang pera sa ‘online transactions’ para maipasok sa bangko.

Show comments