^

Metro

Walang ‘tanim bala’ sa NAIA 3-DOTr

Mer Layson, Doris Franche-Borja, Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Walang naganap na tanim-bala o anumang iregularidad sa isinaga­wang screening sa ba­gahe ng isang babaeng pasahero sa NAIA Terminal 3 noong Hunyo 15, 2018, na nag-viral pa sa social media.

Ito ang paninindigan ng Department of Transportation (DOTr) at Manila International Airport Authority (MIAA) matapos lumabas ang resulta ng imbestigasyon sa reklamo ng isang Kristine Bumanlag Moran na umano’y nabiktima ng ‘tanim-bala’ sa naturang paliparan.

Bago ito sinabi ni Special Assistant to the President Bong Go na inatasan na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Manila Airport Authority at Department of Transportation na imbestigahan ito.

Sa ginawang imbes­tigasyon, maliwanag na sa  luggage ay may nakitang isang pirasong 9mm live ammunition na nasa ilalim ng harapang bulsa ng bagahe ni Moran na nakabalot ng plastic ng isalang ito sa initial x-ray machine security checkpoint.

Isinagawa ang ins­pek­siyon sa harapan mismo ni Moran, at ki­nu­­­ha­nan pa ng video ng screening personnel upang mai­wasan ang hinala ng anumang “tanim bala.”

Dito ay nadiskubre ang isang piraso ng live ammunition ng kalibre .9mm sa bagahe at ka­agad itong ipinaalam kay Moran.

Mismong si Moran pa umano ang nagtanggal ng clear plastic wrap ng kanyang bag, na nakitaan ng imahe ng bala.

Nakuha ang bala at inilista lamang ang insidente sa NAIA’s official records.

Sina Moran at kasama nito ay pinayagan ding makasakay ng eroplano patungong Zamboanga

Sa kabila naman nito, lumikha pa rin ng eksena sa paliparan si Moran at kung anu-anong bintang ng tanim-bala ang ipinukol sa mga airport personnel, na ipinaskil pa nito sa Facebook, at malaunan ay nag-viral.

Pinanigan naman ng DOTr-MIAA ang kani­lang mga tauhan at iginiit na walang iregularidad sa ginawa nilang inspeksyon sa bagahe ni Moran.

“Note that since the Duterte administration took over, not a single passenger has missed a flight due to a piece of ammunition. Not a single passenger was asked to pay any amount to anyone, which is what the “tanim bala” scheme is all about,” paliwanag pa ng DOTr.

vuukle comment

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

MANILA INTERNATIONAL AIRPORT AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with