Higit 1,000 lumahok sa Mega Job Fair sa Makati

MANILA, Philippines — Nasa 1,041 job seekers ang lumahok sa isinagawang Mega Job Fair ng pamahalaang lungsod ng Makati.

Ayon sa Public Employment Service Office (PESO) ng Makati City Hall Office  na sa mahigit 1,000 job seekers, 137 dito ang kaagad na natanggap sa trabaho at ang 339 ay sasailalim pa sa karagdagang screening ng mga participating company.

Ang naturang Mega Job Fair ay isinagawa sa Glorietta 3,  Activity Center ng naturang siyudad.

Nagpahatid naman ng pasasalamat si Makati City Mayor Abby Binay sa mga kompanyang lumahok sa kanilang Mega Job Fair.

Lumahok din sa naturang job fair ang ilang ahensiya ng gobyerno tulad ng Overseas Workers Welfare Adminis­tration (OWWA), Pag-Ibig, PhilHealth at Social Security System (SSS).

Show comments