Erap hindi takot na ma-contempt
MANILA, Philippines — Hindi umano natatakot si Manila Mayor Joseph Estrada na ma-contempt sa pagpapatigil nito sa demolisyon sa mga squatters noong Martes sa Intramuros, Maynila.
Ang pahayag ni Estrada ay bunsod ng bantang ipako-contempt siya umano ng may-ari ng lupa na binahayan ng may 300 pamilya.
Ayon kay Estrada hindi niya papayagan ang demolisyon hangga’t walang paglilipatan ng mga squatters.
Matatandaang sa kabila ng court order na inilabas ng Manila RTC Branch 07, pinatigil ni Estrada ang demolisyon sa panulukan ng Legaspi St., at Real St., na pagmamay-ari ng LG Mathieson Development.
Binigyan diin ni Estrada na may P410 milyon budget ang Intramuros Adminis-tration para sa resettlement program ng mga informal settlers na nasa Intramuros.
Bukod sa resettlement pinag-uusapan na rin ang pagbibigay ng kabuhayan sa mga naapektuhan ng naunsiyaming demolisyon sa Barangay 654 Zone 69.
- Latest