^

Metro

NPD kapos sa baril nagpasaklolo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hiniling ng pamunuan ng Northern Police District (NPD) ang tulong ng mga lokal na pamahalaan ng Caloocan, Ma­labon, Navotas at Valenzuela para mapunuan ang kakula­ngan ng baril para sa kanilang mga tauhan.

Sa buwanang pulong ng NPD Advisory Council, inamin ni P/Supt. Jeffrey Bilaro, hepe ng District Logistics Division ang napakalaking kakulangan sa short at long firearms ng kanilang mga pulis ngayong 2018.

Sa kanyang datos, nasa 3,214 sa kabuuang tauhan na 4,091 lamang ang naisyuhan ng ‘short firearms’ o 79%.  Habang sa ‘long firearms’, tinatayang nasa 1,636 tauhan ang target na maarmasan nito ngunit nasa 459 lamang ang naisyuhan o 28% lamang.

 Sa kasalukuyan, nagpapatupad na lamang ng ‘buddy system’ ang NPD lalo na sa patrolya kung saan ipinapares ang mga pulis na walang baril sa meron.

Bukod sa mga armas, kapos din ang NPD sa mga patrol cars, communication equipments, investigation equipments tulad ng computer sets at mga bala.

Buo naman umano ang suporta nina Caloocan City Mayor Oscar Malapitan, Malabon City Mayor Lenlen Oreta at Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian sa pagbibigay ng mga patrol cars at iba pang gamit habang nakikiusap ang NPD kay Navotas City Mayor John Rey Tiangco ng tulong para sa Navotas City Police.

Ipinaliwanag ni P/Sr. Supt. Benjamin Silo, hepe ng NPD Directorial Staff, na malaki ang epekto ng pagkakaroon ng sapat na patrol vehicles sa puwersa ng pulisya sa pagsugpo at paglutas sa mga krimen. Patunay nito ang mataas na 65% crime clearance rate ng Caloocan City Police dahil sa iba­yong suporta ni Mayor Malapitan na nagbigay kamakailan ng higit 10 patrol cars.

vuukle comment

NORTHERN POLICE DISTRICT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with