^

Metro

Access pass sa NAIA, hihigpitan

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inanunsyo kahapon ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal, na nilagdaan na niya ang isang memorandum para sa  gagawing paghihigpit ng kanyang tanggapan sa mga patakaran at regulasyon ukol sa paggamit ng ‘access Identification Card’ (ID), na inisyu ng MIAA sa lahat ng mga empleyado ng NAIA at mga stakeholders nito.

Ang kautusan ay alinsunod sa direktiba ni  DOTr Secretary Tugade na higpitan ang pagmomontior para matiyak na ang access control system ay hindi malalabag. Sinabi ni Monreal, ang kautusan ay kaugnay sa nangyaring tangkang pagpuslit diumano ng mga alahas ng isang Bureau of Customs supervisor.

Ipinaaalala ni Monreal, ang memorandum sa mga empleyado ng NAIA at stakeholder na doon lang sa mga lugar na nakasaad sa kanilang mga access pass card o duty pass sila pupunta.

Ang access privilege ay naibibigay sa mga empleyado at hindi maaaring gamitin sa pag-assist, pagsalubong o paghahatid ng mga pasahero.

Sabi ni Monreal, ito ay inilaan lamang para sa kanilang trabaho sa paliparan bilang airport wor­kers sa kani-kanilang mga istasyon ng trabaho.

“I will be deploying a special team to monitor compliance to the guidelines. Outright confiscation of the access card shall be done if ­an­­yone is caught violating. I will be designating confiscating officers to carry this out,” sabi ni Monreal.

Ayon kay Monreal, ang MIAA Memorandum Circular No. 14-H series of 2010, ay naglalaman  ng mga patakaran at alituntunin sa ibinibigay, pagpapalabas at paggamit ng MIAA permanent access card at mga visitors pass. Ang parusa sa kanilang di-wastong paggamit ay suspension o pagkansela ng mga pribilehiyo ng access at pang habang-buhay na  pagbabawal na makapasok sa loob ng  NAIA.

Sususpindihin na rin ang pagbibigay ng visitor’s pass sa mga indibiduwal na nais sumalubong o magsend-off ng pamilya, mga kaibigan o kamag-anak.

Ayon kay Monreal, ang pansamantalang suspensyon ay dapat ring magbigay sa MIAA ng oras upang muling busisiin ang mga patakaran at regulasyon sa issuance nito.

Samantala, ang visitors pass para sa la­yunin ng opisyal na panauhin ng pamahalaan ay sasailalim sa pagsusumite ng isang opisyal na kahilingan na nilagdaan nang pinuno ng ahensya o ang kanyang awtorisadong kinatawan at subject sa approval ng Office of the General Manager, MIAA.

vuukle comment

MANILA INTERNATIONAL AIRPORT AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with