^

Metro

Pedestrian lasog sa UV Express

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang  lalaking pedestrian ang nasawi nang masagasaan ng isang humaharurot na UV Express na biyaheng Sucat-Lawton, kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng  Roxas Boulevard,  Parañaque City.

Dead on the spot ang biktima at inaalam pa ang pagkakakilanlan nito dahil sa walang nakuhang ID dito.

Nasa custody naman ng pulisya  ang driver na nakasagasa na si Francisco Cabayaban Jr.

Ayon sa tanod na si Marlon Galang, ng Brgy. Tambo ng naturang lungsod, na siyang rumesponde sa naganap na insidente alas-7:00 pasado ng gabi sa kahabaan ng Roxas Boulevard.

Nabatid na minamaneho ni Cabayaban ang pinapasada nitong UV Express ( UYC 200) at habang binabagtas ang naturang lugar ay hindi nito namalayan ang naglalakad na biktima.

Huli na bago nakontrol ni Cabayaban ang preno nang sasakyan at nasalpok na nito ang pedestrian na nagresulta ng agarang kamatayan nito dahil sa matinding pinsala na tinamo sa katawan.

Sinabi naman ng tanod na si Galang, na tinangka pa umanong tumakas ng driver pero nasakote nila ito. Ang suspect ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

vuukle comment

UV EXPRESS SUCAT-LAWTON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with