Pagpapa-drug test ng mga kandidato sa Brgy. / SK elections, aprub sa QC council
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - April 24, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa napabalitang ‘narco list’ ng mga opisyal ng ba­rangay na sangkot umano sa illegal drugs, ipinasa na ng Quezon City council ang resolusyon na humihikayat sa mga kandidato ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections na sumailalim  sa  drug test.

Ito ayon kay QC Vice Mayor at City Council presiding officer Joy Belmonte, ang magiging daan para  mapalakas pa ang  kampanya ng lokal na pamahalaan laban sa illegal drugs.

“Barangay officials involved in drugs is one serious issue for President Duterte. Ito ang isa sa mga kinagigigilan niya, e,” sabi ni Belmonte.

Sa ilalim ng napagtibay na resolution 20CC-920 na iniakda ni  3rd District Councilor Gian Carlo Sotto, hinihikayat nito ang mga tatakbo sa darating na barangay at SK elections na boluntaryong sumailalim sa drug testing.

Sinabi ni Belmonte na siya ay nalungkot nang hindi isama ng Commission on Elections (Comelec) sa mga requirement ang mandatory drug testing sa lahat ng mga kandidato sa darating na halalan sa Mayo.

 “Sayang, hindi natuloy, this should have been a good way to ensure that the candidates we will vote for are not into drugs ”,  dagdag ni  Belmonte.

Anya, kung magpapa-drug test ang mga kandidato ay magpapakita ito na sila ay tapat at sinsero sa kanilang planong serbisyuhan ang mga taga- QC.

Bilang chairperson ng Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council (QCADAAC), pinangunguna­han ni Belmonte ang kampanya ng lokal na pamaha­laan laban sa droga sa pakikipagtulungan sa pulisya, barangay, simbahan, at pribadong sektor.

Ayon sa resolusyon ni Sotto, tungkulin ng lokal na pamaha­laan na pangalagaan ang mga mamamayan laban sa masamang epekto ng droga at gawing drug free ang bawat barangay.

Sa narco list ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) may 289 opisyal ng ba­rangay ay sangkot sa droga na ang 143 dito ay chairman ng  barangay, habang 146 ay mga kagawad.

Binigyang diin naman ni Belmonte na ang resolusyon na ito ay nagpapatibay lalo sa City Ordinance No. 2460 (The Implementation of a Drug-Free Workplace Program) na nagmamandato sa 14,000 empleyado ng City Hall at mga opisyal ng barangay at kanilang mga tauhan, na sumailalim sa drug test.

Noong 2016, mahigit sa 300 opisyal ng barangay at kanilang mga empleyado, kabilang na ang dalawang kagawad, ang nagpositibo sa paggamit ng droga.

ILLEGAL DRUGS SANGGUNIANG KABATAAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with