Magbilas, huli sa P2.5-M halaga ng droga
MANILA, Philippines — Huli ang magbilas na sinasabing tulak ng droga sa ikinasang drug buy bust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency -Special Enforcemen Group (PDEA-SEG) sa lungsod ng Maynila, kahapon tanghali.
Kinilala ni PDEA Director Aaron Aquino ang mga suspek na sina Abdul Gaffar 28, vendor ng Cacarong Mantanda, Pandi Bulacan, tubong Marawi City, habang sinugod sa East Avenue Medical Center ang bilas nito makaraan mabaril sa kanang binti na kinilalang si Jalanie Mangurse, 35, makaraang agawin ang bag na may baril ng isa sa mga ahente ng PDEA.
Batay sa report ni PDEA Regional Director Levi Ortiz, ang magbilas ay naaresto sa bahagi ng Katigbak corner Roxas Blvd, dakong alas-12:00 ng tanghali .
Ayon kay Ortiz, mahigit isang buwan nilang isinailalim sa surveillance operation ang dalawa dahil sa impormasyon na kanilang natanggap na nagtutulak ng droga ang mga ito at nang makumpirma na totoo ang sumbong ay saka isinagawa ang buy bust operation. Nabawi sa magbilas ang nasa 500 grams ng high grade shabu na may street value na 2.5 milyon, isang unit Toyota Innova.
- Latest