^

Metro

2 tulak tiklo sa 40 sachet ng shabu

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang babae at isang   lalaki na kapwa drug pu-sher ang naaresto sa isang buy bust operation kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Kinilala ng hepe ng Parañaque City Police na si Sr. Supt. Leon Victor Rosete ang mga suspect na sina Renato Barredo, 58, nakatira sa Extra Extention Fourth Estate, Brgy. San Antonio  at Perry Bell Rioferio, 35, ng  Ipil-Ipil St., Veraville 2, Brgy. San Isidro ng lungsod.

Bago naaresto ang da-lawa dakong alas-11:40 ng gabi sa nasabing lugar ay nakatanggap ng report ang pulisya hinggil sa iligal na gawain ng mga suspect dahilan upang ikasa ang buy bust operation.

Isang pulis ang nagpanggap na poseur buyer at nang magpositibong naka­bili sila ng droga sa mga suspect dito na nila inaresto ang mga ito. 

Nasa 40 pirasong  plastic sachet na naglalaman umano ng shabu, pinatu-yong dahon ng marijuana at buy-bust money ang nakumpiska sa mga suspek.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with