^

Metro

Manhunt sa pumatay sa buntis at estudyante iniutos ng EPD

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inutos kahapon ni Eastern Police District Director P/Chief Supt. Reynaldo Biay ang pagsasagawa ng manhunt operation laban sa taxi driver na pumatay sa buntis na live-in partner nito at idi­namay pa ang isang grade 4 na  babaeng estudyante sa Mandaluyong City noong Lunes.

Ayon kay Biay, mismong si P/Sr. Supt. Moises Villaceran, hepe ng Mandaluyong police, ang kanyang inatasan para tugisin at ares­tuhin ang suspek na si Benjamin Pardenez Jr., taxi driver, ng Dalia Street, Barangay Magdiwang, Bacoor, Cavite.

Si Pardenez ang siyang responsable sa brutal na pagpatay sa kanyang live-in partner na si Ma. Rosula Paunil, 40, at pamangkin na si Jessa Mae, 12 anyos, sa loob ng Ridgeway Residen-ces unit, Dansalan Street, Barangay Barangka Ilaya.

May impormasyon na ang Mandaluyong police kung saan nagtatago ang suspek pero tumanggi munang tukuyin para hindi  masunog ang kanilang gagawing operation.

Sa inilabas na medico legal report ni Dr. Marianne Ebdane, nakumpirmang anim na buwang buntis si Paunil na nagtamo ng 10 malalalim na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang si Jessa Mae ay 12 saksak ang tinamo na siyang dahilan ng kanilang on-the spot na kamatayan.

Nakumpirma rin na selos ang dahilan ng motibo ng pagpatay matapos mabatid na bago pa mang patayin ng suspek ang kanyang live-in partner ay palagi nitong sinasaktan.

Sinasabing nagseselos ang suspek sa tuwing may ka-chat sa facebook ang biktima na kanyang mga kaibigan.

Umaapila naman ang Mandaluyong police sa publiko kung sino ang nakakabatid ng pinagtataguan ng suspek ay maaring i-text o itawag lamang sa kanila sa 0921-4748008 para sa mabilis na ikakaaresto nito. 

vuukle comment

P/CHIEF SUPT. REYNALDO BIAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with