Trabahador nalaglag sa bubong, todas

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang maintenance crew ng isang kumpanya ng papel makaraang malaglag buhat sa bubu-ngan ng kinukumpuning bodega sa Valenzuela City ka­makalawa ng hapon.

Nagtamo ng pinsala sa ulo at katawan dahilan ng kanyang pagkasawi ang 51-anyos na si Bonifacio Plantinos, may-asawa, at nanini-rahan sa Northwind, San Jose Del Monte City, Bulacan.

 Sa imbestigasyon, nagkukumpuni ng bubungan ng bodega ng Vanhawk Paper Philippine Company sa may no. 6400 Tatalon Street, Brgy. Ugong, sa naturang lungsod, dakong alas-2 ng hapon bilang paghahanda sa tag-ulan nang maganap ang aksidente.

Habang nagtatrabaho, napatapak si Plantinos sa bulok na bahagi ng bubungan dahilan para mahulog siya ng may 30 talampakan at diretsong bumagsak sa ibaba ng bodega. 

Show comments