Taxi driver na napalaya sa murder case itinumba

MANILA, Philippines — Patay ang isang taxi driver nang barilin ng hindi pa tukoy na salarin at magtamo ng tatlong tama ng bala sa ulo habang nagpapahangin, sa labas ng kaniyang bahay sa Port Area, Maynila, kamakalawa ng gabi. Dead-on-arrival sa Justice Jose Abad Santos General Hospital si Romeo Esguerra, 53 anyos , residente ng Block 115 B, Baseco, Port Area. Inalam pa kung sino ang responsable sa pamamaril.

Patuloy pa ang imbestigasyon at isa sa anggulong sinisilip ang pagkakasangkot ng biktima sa kasong murder na nakalaya lamang nang iurong umano ng pamilya ng napatay ang kaso na hindi binanggit ang detalye.

Show comments