^

Metro

10 fratmen dawit sa ‘Atio’ hazing, sumuko sa NBI

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
10  fratmen dawit sa �Atio� hazing, sumuko sa NBI

Ang sampung miyembro ng Aegis Juris fraternity na sabay-sabay na sumuko kahapon sa NBI matapos na magpalabas ng warrant of arrest ang korte laban sa kanila kaugnay sa pagkamatay ni Horacio ‘Atio’ Castillo III sa naganap na hazing. Kuha ni Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Sumuko na kahapon sa National Bureau of Investigation (NBI) ang sampung  UST Law student na kabilang sa inisyuhan ng warrant of arrest kamakalawa ng Manila Regional Trial Court kaugnay sa pagkamatay ni Horatio “Atio” Castillo III, ang neophyte ng Aegis Fraternity.

Sinabi ni NBI  Deputy Director for Operations  Vicente De Guzman na sumurender at hindi dinakip ang mga miyembro ng Aegis Fraternity na sina Mhin Wei Chan, Jose Miguel Salamat, John Robin Ramos, Marcelino Bagtang Jr., Arvin Balag, Ralph Trangia, Axel Munro Hipe, Oliver John Audrey Onofre, Joshua Joriel Macabali at Danielle Hans Matthew Rodrigo, na pawang subjects sa warrant of arrest na inisyu kamaka-lawa ni Judge Alfredo Ampuan ng Manila RTC Branch 40 sa criminal case R-MNL-18-01545-CR.

Ayon kay Executive Officer Danilo Mayani ng NBI Death Investigation Division, alas-11:00 kahapon ng uma­ga sa hindi binanggit na lugar sa Maynila sinundo ng NBI agents ang sampung Aegis Frat members na kasama ang kanilang mga magulang at legal counsel.

“May tumawag sa aming opisina, common friend na­min na parent ng isa sa sampu at nagsabi na susuko na nga ang mga subject ng warrant of arrest,” ani EO Agent Mayani.

Una umanong dumating sa napagkasunduang lugar ang NBI teams at makalipas ang 30 minuto ay dumating na ang mga surrenderee at dinala na sila sa NBI main headquarters.

Naisipan umano ng mga estudyante at mga  magulang na sumuko na lamang sa NBI dahil natakot sila sa kanilang seguridad nang may maramdaman kamakalawa ng gabi, kasunod ng paglabas ng warrant of arrest ng korte, na may palibut-libot sa kanilang mga tahanan na hinihinalang sila ang pakay na arestuhin.

Nilinaw ng NBI na walang special o VIP treatment kung bakit sa NBI sumurender ang mga Aegis member kundi nais nilang makasiguro sa kaligtasan.

Ipinaliwanag pa ng NBI na kaya nila ipinakita sa media at publiko ang mga sumuko upang makitang malinis ang kanilang katawan, walang pasa o sugat.

Inaasahang magdamag umano ang gagawing pro-seso sa pagprisinita sa mga sumuko sa korte para sa return of the warrant sa Branch 40 ng Manila RTC at pansamantala silang ibabalik sa NBI detention facility para ikulong hangga’t wala pang inilalabas na commitment order ang korte.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with