Suporta sa programa ni Digong vs droga at korapsyon, pinalakas pa ni Joy Belmonte
MANILA, Philippines — Muling nagpakita ng pagsuporta si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte sa kasalukuyang administrasyon sa pamamagitan ng pagsanib sa volunteer group na tumulong kay Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 elections.
Isa si Belmonte sa mga nanumpa bilang bagong miyembro ng Mayor Rodrigo Roa Duterte-National Exe-cutive Coordinating Committee (MRRD-NECC) kahapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City. Tinalaga siyang political adviser ng MRRD- NECC Quezon City Chapter.
Nagpahayag ng pasa-salamat ang bise alkalde sa MRRD-NECC sa mainit nitong pagtanggap sa kanya.
“MRRD, for me, is a testament that the people can really choose their lea-ders, and these are from the grassroots, this was the organization that really worked hard for President Duterte. But if you notice who they are, they’re not personalities, they’re just regular men and women who probably have personal experiences and they felt it would help change their experiences for the better, I love that, this is a grassroots. It is for the grassroots, came from the grassroots, and expanded also because of the efforts of its grassroots leaders. They are all volunteers,” pahayag ni Belmonte.
Sa kanyang panunum- pa, nangako ang anak ni da-ting mayor, House Speaker, at ngayo’y 4th District Rep. Sonny Belmonte, Jr. na lalo pang paiigtingin ang kanyang suporta sa mga adbokasiya ng pamahalaan laban sa illegal drugs, korapsyon, kriminalidad, insurgency at kahirapan.
“Itataguyod ko at ipagtatanggol ang Saligang Batas ng Republika ng Pilipinas,” ani Belmonte.
Anya, ang mga taga-QC ay patuloy na sumusuporta sa administrasyong Duterte laluna sa kanyang hangaring magkaroon ng pagbabago.
Bilang kasapi ng PDP-Laban, aktibo si Belmonte sa pagsusulong ng mga programa ng administrasyong Duterte kontra droga at korapsyon.
Bilang pinuno ng Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council (QCADAAC), pinangungunahan niya ang anti-drug campaign ng lokal na pamahalaan. Aktibo rin siya sa pag-iikot sa mga komunidad upang palawakin ang kaalaman ng mga mamama-yan tungkol sa pederalismo.
Kaugnay nito, sinabi ni MRRD-NECC City Chairperson Rowena Bustillos na ginagawa ang symposium kada distrito at oras na matapos ito ay saka ito dadalhin sa mga barangay ng QC.
- Latest