Terror warning: NAIA inalerto, K-9 dogs ikinalat

Nakipag-ugnayan si  Mon­­real sa mga law enforcement agencies partikular sa PNP Aviation Security Group at Office Transportation Screeners na maging vigilante sa mga tao na papasok sa paliparan.  Rudy Santos

MANILA, Philippines — Inalerto kasabay nang pagpapakalat ng mga K-9 bomb at drugs snif-fing dogs ni MIAA gene­ral mana­ger Ed Monreal sa lahat ng ter­minals sa Ninoy Aquino International Airport(NAIA) para magmanman, matapos ang ulat na may 40 mga dayuhan na umano’y miyembro ng terorista na nakapasok sa bansa na umano’y du­maan sa mga karagatan sa southern Mindanao para maghasik ng lagim.

Nakipag-ugnayan si  Mon­­real sa mga law enforcement agencies partikular sa PNP Aviation Security Group at Office Transportation Screeners na maging vigilante sa mga tao na papasok sa paliparan.

Ayon naman sa  pamu­nu­an ng PNP, wala silang natatanggap na anumang banta sa Metro Manila, pero nakaalerto rin sila lalo na sa mga matataong lugar na mahigpit na pinababantayan, katulad ng mga daungan at airport terminals hanggang sa mga simbahan at tourist destination.

Show comments