^

Metro

Transport strike bigo sa Metro-- MMDA

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Transport strike bigo sa Metro-- MMDA

Ang mga pasahero na naghihintay sa libreng sakay at sa mga ikinalat na alternatibong sasakyan ng mga kinauukulan makaraang magsagawa kahapon ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. (Kuha ni Boy Santos)

MANILA, Philippines — Bigo ang inilunsad na transport strike ng grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) na para-lisahin ang biyahe sa Metro Manila kahapon, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sinabi ni Celine Pialago na ito ay dahil na rin sa ipina­labas na mga alternatibong sasakyan ng pamahalaan katuwang ang mga pribadong bus companies, libreng sakay ng nasyunal at lokal na government sa iba’t ibang lungsod sa Kamaynilaan.

Unang nagkaroon ng bahagyang kakulangan sa mga pampasaherong jeep kahapon ng umaga ngunit unti-unting naging normal nang sumapit ang tanghali. 

Hindi nagamit ang inihandang mga behikulong ipinalabas ni Mayor Oscar Malapitan para sa ‘Libreng Sakay’ sa Caloocan City dahil sa nagpatuloy ng pamamasada ang mga tsuper sa kabila ng programang ini-lunsad ng PISTON sa gilid ng Monumento Circle. Ganito rin ang naging sitwasyon sa mga lungsod ng Navotas, Valenzuela at Malabon.

Hindi rin nakaporma ang nasa 20 miyembro nito na maharang ang mga namamasadang tsuper dahil sa mahigpit na pagbabantay ng mga tauhan ng Caloocan City Police, ayon kay P/Supt. Ferdinand Del Rosario.

Sa datos buhat sa MMDA, dalawang bus na may bayad at dalawang military truck ang pumasada sa rutang Buendia-Taft Avenue; dalawang bus ng MMDA sa rutang BCDA C5-Guadalupe; dalawang bus at tatlong trak sa Malabon at Navotas; at tatlong trak sa Commonwealth Avenue.

Kahit na unti-unting lumiliit ang bilang ng sumasama sa kanilang protesta, iginiit ni PISTON president George San Mateo na hindi bilang ang kanilang hinahabol ngunit ang pagpapatuloy ng protesta para mapansin ng pamahalaan at magkaroon ng maraming pagdinig sa Kongreso bago ipatupad ang ‘phase-out’ sa jeepney. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with