^

Metro

5-anyos tinangkang dukutin: 1 sa 3 suspects timbog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 5 -anyos na batang babae ang tinangkang dukutin sa harapan ng tahanan nito sa Villa Tupaz, Brgy. San Joaquin, Pasig City , ayon sa ulat kahapon.

Isa sa tatlong suspect ang nadakip ng pulisya. Kinilala ito ni Pasig City Police Director P/Sr. Supt. Orlando Yebra Jr. ang nasakoteng suspect na si Romualdo Aba­lajon Jr., 49, self-employed at residente ng Cons­tancia Street, Makati City.

Samantalang nakatakas naman ang dalawa nitong kasamahan na pakay nga-yon ng manhunt operations ng mga awtoridad.

Bandang alas-9 ng uma­ga nang mangyari ang umano’y tangkang pagdukot ng suspect sa biktimang ipinatago ng pamilya nito  sa pangalang Nicole.

Ang suspect ay isa umano sa mga pasahero ng kulay berdeng van na may plakang XMM 507 na nag-viral sa facebook dahilan umano sa pangingidnap ng mga bata.

Sa pahayag ng testigong si Rose Marie Vecino, 29, tubong Bicol at kapitbahay ng pamilya ng biktima nakatayo siya sa harapan ng kanilang tahanan ng ma­kita ang suspek na kahi­nahinalang gumagala sa kanilang kalye habang nasa loob naman ng van ang driver at isa pang kasama nito na nakatayo sa may pintuan ng behikulo.

Ilang saglit pa laking gulat ni Vecino nang makita ang suspect na sinunggaban at akay-akay na sa kamay ang nagpupumiglas na 5-anyos na batang si Nicole residente ng Villa Tupaz St., San Joaquin ng lungsod patungo sa kanilang naghihintay na behikulo.

Dito na napatakbo ang testigo at kinuha ang bata sa nasabing suspect saka nagsisigaw ito sa paghingi ng saklolo hanggang sa magresponde ang mga elemento ng Police Community Precinct (PCP) 2 at naaresto ang suspect pero nakatakas ang mga kasama nito.

Narekober naman mula sa pag-iingat ng suspect ang isang plastic sachet na naglalaman ng shabu.

Sa presinto, ikinatwiran naman ng suspect at mga kamag-anak nito na hindi ito kidnapper at umano’y namamalimos lamang sa lugar.

 Kaugnay nito, inalarma na ng Pasig City Police ang iba pang mga himpilan ng pulisya sa Metro Manila laban sa nasabing behikulo upang maaresto ang mga kasamahan ng suspect.

 Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 7610) An Act Pro­viding for Stronger Deterrence and Special Protection Against Chlld Abuse, Exploitation and Discrimination) at Section 11 ng RA 9165 o Anti-Illegal Drugs Act ang naarestong suspect.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with