^

Metro

Shootout sa Tondo: 4 bulagta!

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Shootout sa Tondo: 4 bulagta!

Kapwa bumulagta ang dalawang riding-in-tandem matapos na makipagbarilan sa mga tauhan ng Manila Police District- Station 1 at Station 7 sa magkahiwalay na operasyon sa Abad Santos Avenue cor. Antipolo St. at Road 10, Smokey Mountain, pawang sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling-araw. (Mga kuha ni Joven Cagande)
 

MANILA, Philippines — Apat na hindi pa kilalang mga lalaki na armado at pawang magkakaangkas sa motorsiklo ang napatay matapos na maka-engkuwentro ang mga operatiba ng Manila Police District sa magkahiwalay na operasyon sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling araw.

Sa operasyon ng MPD, naganap ang unang barilan ng ala-1:30 ng madaling araw sa harapan ng Luxe Bloom Flower Shop sa panulukan ng 2331-B J. Abad Santos Avenue at Antipolo St., kung saan bumulagta ang unang dalawang lalaki.

Sa ulat ni PO3 Dennis Turla ng Manila Police District-Homicide Section, ang dalawang napatay ay wala pang pagkakilanlan na kap­wa tinatayang may edad na 25-30, isa ang maputi, nakasuot ng berdeng t-shirt at itim  na short pants, may tattoo na “BCJ”  sa kanang hita at “Abigail” sa dibdib habang ang isa ay nakasuot na printed na puting t-shirt, yellow short pants na may sinturon na itim, may tattoo na “Bem” sa kanang hita.

Narekober mula sa mga nasawi ang isang kalibre .38 na Armscor na walang serial number, kargado ng apat na bala, at isang kalibre .45 Springfield Armory, may tatlong bala, 9 plastic sachet ng hinihinalang shabu at nakuha ang anim na basyo ng bala sa lugar. 

Sa imbestigasyon, inireport na dalawang lalaki na sakay ng kulay blue na SYM motorcycle na walang plaka at armado ng mga baril ang paikut-ikot sa kahabaan ng Abad Santos Avenue. Agad na nagresponde ang mga tauhan ng Tayuman Police Community Precinct sa pa­ngunguna ni PO2 Jimmy Pelagio sa lugar. Namataan ang mga suspek at tinangka silang sitahin subalit pinaputukan ang mga pulis bago humarurot patungong timog sanhi ng habulan at palitan ng putok na nagresulta sa kagyat na kamatayan ng dalawa.

Samantala, dakong alas-2:45 ng madaling araw sa Road 10 Bridge sa Tondo na sakop ng Barangay 108, Zone 10 at erya naman ng MPD-Station 1 nang maka-engkuwentro ng mga pulis ang isa pang riding-in-tandem na nag-counter flow at may kahina-hinalang kilos.

Sa ulat ni SPO4 Glenzor Vallejo ng MPD-Homicide Section, dead-on-the-spot ang mga suspek na nasa 30-35-anyos, 5’3-5’6 ang taas, kapwa balingkinitan,  mga nakasuot ng clinical masks, puting t-shirt. Isa ang nakasuot ng itim na cargo short pants  habang ang isa ay naka-jogging pants na gray at may tattoo na “Delpan BCJ 32 Raymond” sa bandang likod ng kanang balikat.

Habang nagsasagawa umano ng Oplan Sita ang mga tauhan ng Smokey Mountain–Police Community Precinct na sina PO1 Normal Alvin Santos, PO1 Oliver Satur, PO1 Rodolfo Ramos at PO1 Leandro Veloso nang maispatan ang walang plakang itim na Yamaha Sky Driver 125 dahil sa pag-counterflow nito. Imbes na tumigil nang sisitahin,  humarurot ang dalawang suspek sanhi ng habulan at barilan na kanilang ikinabulagta. Narekober mula sa mga suspek ang isang kalibre .38 revolver na may tatlong bala, isang kalibre .38 revolver Armscor 202 na may tatlong bala, 13 plastic sachet ng shabu at motorsiklo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with