^

Metro

Pakikisalamuha, pakikinig sahinaing, prayoridad ni Joy B.

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inilarawan ni Quezon City Vice Mayor at mayoralty aspirant Joy Belmonte ang kanyang sarili bilang isang “very consultative leader” na madaling lapitan at personal na nakikipag -usap sa mga tao.

Ayon kay Belmonte, ang mga public servant na tulad niya ay dapat gawing prayoridad ang pakikisalamuha at pakinig sa hinaing ng taumbayan na ka­nilang pinaglilingkuran.

“Well, I’m a very consultative leader, hindi po top-down ang approach ko, kundi bottom-up po ang approach ko,” pahayag pa ni Belmonte.

“Ako rin po ay mahilig maki­salamuha sa mga tao so ang tingin ko I’m very, very in touch with their needs and dreams,” dagdag pa nito.

Mula nang mahalal noong 2010, sinabi ni  Vice Mayor Belmonte na sinusunod niya ang kanyang “people’s agenda for governance” na nagtutulak sa kanya na regular na bumaba sa mga barangay upang makisa­lamuha sa mga ordinaryong tao.

“In other words, they are the ones who tell me what their needs are so we at the city go­vern­ment could come up with the appropriate actions, kaila­ngan­ po ‘yung pulso talaga ng taumbayan ay maramdaman po namin bago po namin ipasa ang isang batas­. They play a very big role in terms of amendment, etc.,” dag­dag pa ng bise-alkalde. 

Kamakailan lang ay sinimu­lan ni Belmonte ang bago niyang programang “People’s Day” sa city hall tuwing Martes mula alas-9 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon na ito ay nanganga­hulugan na bukas ang kanyang opisina para tumanggap ng mga reklamo, suhestisyon, humingi ng tulong.

Kung walang oras na pumunta sa QC hall, ang mga nais makipag-ugnayan sa tanggapan ni Vice Mayor Belmonte ay maaaring tumawag sa tele­pono bilang 921-77-11 at 988-42-42 local 8205.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with