Ilang bahagi ng aEDSA sarado bukas

MANILA, Philippines — Isasara bukas araw ng Linggo (Pebrero 25) sa mga motorista ang ilang bahagi  ng EDSA at White Plains Drive sa Quezon City bunsod ng ika-32 taong anibersaryo ng EDSA People Power Re-volution.

Sa traffic management plan ng Metropolitan Mani­la Development Authori­ty (MMDA), ang Ortigas Ave­nue hanggang Santolan (northbound) ay isasara ng alas-12:01 ng madaling araw hang­gang alas-6:00 ng umaga.

Ang dalawang  outer lanes ay sarado sa mga sasakyan, samantalang ang tatlong  inner lanes mula  Edsa-Ortigas flyover  ay magiging passable sa mga motorista  hanggang  Aguinaldo Gate. 

Samantala, ang parehong direksyon ng White Plains Drive, mula Temple Drive hanggang  EDSA, ay sarado sa trapik mula  alas-12:01 ng madaling araw.

Sa EDSA Southbound, kumanan sa Aurora Boule­vard o Santolan, kumaliwa sa Gilmore o Ortigas, kuma­nan sa Edsa patungo sa destinasyon, kumanan sa Katipunan o Libis-C5 Road patungo sa destinasyon.

Sa EDSA Northbound naman ay kumanan sa Kalayaan/ Shaw Boulevard/Ortigas, kaliwa sa C5 Road patungo sa destinasyon; o kumaliwa sa Ortigas papuntang Greenhills, kanan sa Santolan patungo sa destinasyon, kumanan sa Ortigas o kaliwa ng Ortigas flyover papuntang Greenhills, kumanan patungo sa destinasyon.

Sinabi ni Acting MMDA General Manager Jojo Garcia na nasa 150 traffic enforcers ang ide-deploy para magmando ng trapiko sa mga mataong kalsada.

Show comments