‘Oplan Galugad’: 7 naaktuhan nag-aabutan ng droga

MANILA, Philippines — Pito katao ang nadakip matapos maaktuhang nag-aabutan  ng shabu sa isinagawang ‘Oplan Galugad’,  kamakalawa ng gabi sa Taguig City

Ang mga suspect ay nasa custody na ngayon ng Taguig City Police ay kinilalang sina Michael Ambasing, 38;  Jay-R Campos, 26;  Jerry Adlawan, 25; Randy Gomez, 26; Mark Buenaobra, 30; Jimmy Castro, 31 at Mark Ambasingna­dlawan, 26,  pawang mga naninirahan sa Mini Park Fort Bonifacio ng nasabing lungsod.

Ayon sa hepe ng Taguig City Police na si Police Sr. Supt. Alexander Santos, alas-9:30 nang magsagawa sila ng ‘Oplan Galugad’ sa Zone 7  ng nasabing lugar.

Dito naaktuhan ang mga suspect na nag-aabutan ng droga. Dahil dito, kaagad na dinakip  ang mga suspect kung saan nakuha sa mga ito ang ilang plastic sachet ng shabu, timba­ngan at paranaphernalia.

Show comments