Most wanted sa Leyte, huli sa Quezon City

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang sinasabing No. 2 most wanted sa Dulag, Leyte, makaraan siyang magtago sa lungsod, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Chief Supt. Guilermo Eleazar ang suspek na Edwin Santo, 42, ng Purok 1, Brgy. Mambugan, Dulag, Leyte.  

Si Santo ay naaresto dakong alas-2:30 ng hapon sa cons­truction site sa Acacia St., Brgy. Tugatog sa lungsod.

Wala namang piyansang inirekomenda ang korte para sa pansamantalang kalayaan ni Santo dahil sa kasong rape.

Dinakip si Santo sa bisa ng  arrest warrant na inihain ng pinagsanib na puwersa ng  Cubao Police Station (PS-7) sa pamumuno ni PSupt Louise Benjie Tremor at Dulag Police Station sa ilalim ni  P/Chief Insp. Jimmy Boy Balasanos dahil sa kasong paglabag sa RA 8353 (Anti-Rape Law) in relation to RA 7610 (Child Abuse Law).

Show comments