‘Oplan Tokhang’ ng PNP, aarangkada na!
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - January 13, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Knock, knock, mga pulis po, mag-o-Oplan Tokhang lang po!

Ito ang estratihiyang po-sibleng isagawa ng Philippine National Police (PNP) sa muling pagbuhay nila sa ‘Oplan Tokhang’, matapos na muli silang ibalik sa giyera laban sa ilegal na droga.

 Ito ang inihayag kahapon ni PNP Chief P/Director Ge-neral Ronald “Bato “ dela Rosa  matapos namang iturn-over ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela sa pangunguna ni Mayor Rex Gatchalian ang 60 mga bagong patrol vehicles at 8 K-9 dogs sa Va­lenzuela City Police upang mapalakas pa ang anti-drug at anti-criminality operations sa kanilang hurisdiksyon.

Ang nasabing mga patrol vehicles ay nagkakahalaga ng P1,017,740 bawat isa ay may nakakabit na Global Positioning System (GPS ) at dashboard cameras.

Kasabay nito, tiniyak naman ni dela Rosa na sa pagbabalik sa ‘Oplan Tokhang‘ ng PNP ay tinagubilinan nito ang kanilang mga anti-drug operatives na maging magalang sa pagkatok sa mga bahay ng mga pinaghihinalaang drug personality  at ipaliwanag ang intensiyon.

 Sinabi nito na kung dati ay may mga insidente na kapag kumakatok ang mga pasaway na anti-drug operatives ay hinihingan ng pera ang mga drug personality kapalit ng pagbura sa pa-ngalan ng mga ito sa drug list ay hindi na ito puwede sa kaniyang maigting na direktiba ngayong taon.

 Nitong Disyembre 5,2017 ay muling inatasan ni Pangu­long Rodrigo Duterte ang PNP na bumalik na sa drug war sa ikalawang pagkakataon matapos namang tumaas muli ang mga insidente ng kriminalidad at mamayagpag muli ang mga drug lord na umano’y hindi kinaya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

 Ang drug war ay ipinatigil ni Pangulong Duterte kasunod naman ng pagkakapatay ng Caloocan City Police sa mga tinedyer na sina Kian delos Santos at Carl Angelo Arnaiz  noong Agosto ng na-kalipas na taon. 

Samanta­lang una nang ipinahinto ng Pangulo ang drug war matapos naman ang kontrobersyal na pagkamatay ng negosyanteng Koreano na si Jee Ick Jo noong Oktubre 2016 na sumingaw lamang noong Enero 2017.

Sinabi ni dela Rosa na hin­di na magiging madugo ang ‘Oplan Tokhang’ kung hindi manlalaban ang mga target.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with