500 sundalo idedeploy sa Pista ng Itim na Nazareno
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - January 4, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Limangdaan (500) sun-dalo ang nakatakdang ide­ploy ng AFP-Joint Task Force (JTF) National Capital Region (NCR) kaugnay ng gaganaping makasaysa­yang traslacion ng Itim na Nazareno sa Enero 9 ng ta­ong ito.

 Ito ang inihayag kaha- pon ng bagong talagang si AFP-JTF NCR Commander Brig. Gen. Alan Arrojado.

 “I can say mga battalion  size (500 soldiers) ang idede­ploy para mag-secure sa Traslacion”, ani Arrojado para makatuwang ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

 Una nang inihayag ni NCRPO Chief P/Director Oscar Albayalde na magpapakalat sila ng 4,000 pulis pero dinagdagan pa ito ng karagdagang 1,000 mula sa Manila Police District (MPD) kaya aabot sa 5,000 ang kabuuang deployment sa puwersa ng pulisya.

Sinabi ni Arrojado na nakalatag na ang lahat ng seguridad na kanilang ipatutupad katuwang ang mga elemento ng NCRPO para matiyak na magiging mapayapa ang Traslacion ng Itim Na Nazareno.

“We are ready, pati sa routine activity for the JTF to provide support on the major activity for the Black Nazarene feast, so far as I assumed, I have studied updates and si-tuations , we always consider the possibility of terrorism but it is  not as verified”, ani Arrojado na sinabing handa sila sa lahat ng oras.

Sa kasalukuyan, ayon sa opisyal ay wala silang namomonitor na banta ng terorismo maliban sa mga kriminalidad at iba pa.

“Wala naman, unless me­ron man then we will be prepared for it. We have been coordinating with the diocese of Metro Manila, that the preparations for JTF NCR”, ang sabi pa ng opisyal.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with