Kelot inutas sa utang na P5K
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - January 2, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tinuloy ang banta sa isang 36-anyos na lalaki na umano’y buhay niya ang magiging kapalit kung hindi pa niya mababayaran ang balanse sa utang na P5,000 bago magtapos ang taon nang pagbabarilin siya sa kanilang bahay ng taong kanyang pinagkakautangan, sa Port Area, Maynila, nitong Disyembre 31.

Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang biktimang si Diosdado Martinez Y Rola alyas “Popong”, may live-in partner at residente ng Block 12, Lot 22, Baseco Compound, Port Area, Maynila dahil sa tinamong bala sa kaliwang dibdib at sa likod ng ulo.

Tinutugis naman ang suspek na kinilalang si Reymond La-zaro Y Albay alyas “Onyok”, 28, miyembro ng Tau Gamma Phi at residente ng Block 12, Lot 22, Baseco Compound, Port Area.

Sa ulat ni SPO3 Jonathan Bautista ng  Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-11:40 sa Block 22, Lot 12, Baseco Compound, Port Area.

Sa imbestigasyon, nadatnan ng suspek ang biktima na naliligo sa shower sa labas ng bahay at agad siyang inasinta na tumama sa kaliwang bahagi ng dibdib na nagawa pang makatakbo papasok ng bahay subalit hinabol pa siya ng suspek at muling pinutukan sa ulo.

Nang bumulagta ang biktima matapos mapuruhan ay agad na tumakas ang suspek dala ang baril na ginamit.

Inamin ng live-in partner ng biktima na si Elde Panizales na nagkautang ng halagang P20,000 ang biktima sa suspek at pinipilit ng huli na mabayaran na ang balanse na P5-libo bago magtapos ang taon subalit hindi nagawa ng biktima kaya itinuloy ang banta ng suspek sa biktima.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with