Sunog sa Pasig: 1 patay, 30 pamilya nawalan ng tahanan
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - January 2, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang may sakit na mister ang nasawi habang tinata-yang higit sa 30 pamilya ang nawalan ng tahanan matapos sumiklab ang isang sunog na hinihinalang galing sa malakas na uri ng paputok sa Pasig City habang papasok at sinasalubong ng mga Pinoy ang taong 2018 kahapon.

Ang biktima ay kinilalang si Elmer Lanora, 58, na sinasabing may sakit at naiwang mag-isa sa kanilang bahay sa Katarungan St., Brgy. Caniogan, Pasig City.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), sa Pasig City, nabatid na dakong alas-11:30 ng gabi nang sumiklab ang apoy kasabay ng mga nagpuputukan fireworks at firecrackers sa paligid ng tahanan ng biktima.

Hindi na nagawa pang makalabas ng bahay si Lanora dahil sinasabing mahina ang katawan nito,  bunsod ng karamdaman na hindi naman tinukoy kung ano ang sakit nito.

Dahil gawa lang sa light materials ay mabilis na gumapang ang apoy sa kabuuang ng tahanan na umabot sa ika-apat na alarma ang sunog.

Tinupok din ng apoy ang may 15 bahay na kalapit ng pamilyang Lanora at nasa 30 pamilya ang nawalang ng tirahan na ngayon ay kinukopkop sa Bgry. Caniogan, Pasig City.

Tinatayang nasa P2 milyon ang halaga ng mga ari-arian ang naabo sa sunog.

Bagamat may nagsasabing sa firecrackers nagsimula ang apoy ay nagsasagawa parin ng masusing imbestigasyon ang mga tauhan arson investigator ng Pasig BFP upang mabatid ang tunay na pinagmulan ng sunog.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with