P17-M puslit na kargamento, nasamsam ng BoC
Doris Franche-Borja (Pilipino Star Ngayon) - December 6, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines — Nasamsam ng Bureau of Customs (BoC) ang P17.5 million na halaga ng puslit na mga kargamento mula sa China sa Port of Manila. 

Ayon kay BOC Commissioner Isidro Lapeña, ang apat na shipment na mula sa China ay naglalaman ng mga pekeng G-shock watches, sapatos, bigas, dalawang heavy equipment, ukay-ukay at iba pang mga general merchandise. 

Kasama sa mga consignee ng apat na magkakahiwalay na kargamento ang ACC Trading na nakabase sa Tondo, Maynila; Alcambaras Trading Corporation na nakabase sa Malate, May­­nila; Melwinjay Trading na naka-base sa Escolta, Maynila at Pricewater Trading na may tanggapan sa Biñan, Laguna. 

Nilabag umano ng mga consignee ang Section 1400 ng Customs Modernization­ and Tariff Act (CMTA), Intellec­­tual Property Law at Republic Act 4653 na nagbabawal sa pag-aangkat ng ukay-ukay. 

Sinabi naman ni Ernelito Aquino, Collector Lawyer ng Port of Manila, na nakatakdang imbestigahan ng Law Division kung ano ang lawak ng pananagutan ng mga nasa likod ng kargamento na nadiskubreng mga “misdeclared.”

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with