Pedopilya timbog: Grade 9-student nasagip
Lordeth B. Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - October 12, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines — Nasagip ng mga awtori-dad ang isang grade 9 student mula sa isang hinihinalang pedopilya sa isinagawang entrapment operation, kamaka ­lawa ng hapon sa Makati City.

Nakakulong ngayon sa Ma­kati City Police detention cell ang suspect na si Elias Cosme, negosyante ng Gloria St., Brgy. Poblacion ng naturang siyudad.

Sa inisyal na ulat naganap ang  entrapment operation alas-4:30 ng hapon  sa 36F One Cen­tral Condominium panulukan ng Sen. Gil Puyat Avenue (dating Buendia Avenue) at H.V. Dela Costa St., Salcedo Village, Brgy. Bel Air ng naturang siyudad nang pinagsanib na pwersa ng Women’s and Children Protection Desk, Follow-up/ANCAR Ope­ratives, Intelligence Unit, Makati City Police at Makati Social Worker and Development (MSWD).

Nabatid na kasama ng mga awtoridad ang ina ng biktimang itinago sa pangalang Riza, 15 nang ma-rescue ito mula sa kamay ng suspect na si Cosme, na kaagad namang inaresto.

Napag-alaman na ni- recruit umano ng suspect ang biktima at dinala sa isang unit sa naturang condo at dito kinukuhanan ng litratong hubo’t hubad.

Ang modus umano ng suspect ay magre- recruit ng mga kabataan at kukuhanan ng ma­lalaswang larawan.

Sa ngayon ay patuloy pa ring iniimbestigahan ng pulisya ang naturang insidente.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with