MANILA, Philippines - Dahil nakasuot ng headset habang papatawid ng riles ng tren, nasawi ang isang grade 10 na estudyante makaraaang kaladkarin ito ng paparating na tren ng Philippine National Railway sa Vito Cruz, lungsod ng Manila kahapon.
Nakilala ang bikitma na si Joseph Monar, 15-16-anyos, nakatira sa Espiritu St., at estudyante ng San Antonio National High School ng Makati City.
Ayos sa ulat ng pulisya, nakasuot umano ng headset ang biktima nang papatawid ito sa riles.
Nakatingin umano ang biktima sa paparating na tren na pa-southbound habang papatawid ngunit hindi nito alintana ang isa pang tren na paparating na pa-northbound.
“Nakita n’ya ho ang tren, nakatingin ho siya sa tren eh, siguro ho dahil nakababa na ‘yung barera akala niya isang tren na southbound lang ang paparting. Eh meron pang isa eh, northbound” pahayag ni PNR chief Joseline Geronimo.
Sinubok pa umano ng mga nakasaksi na tawagin ang pansin ng biktima subalit dahil sa nakasuot ito ng headset ay hindi nito napansin ang paparating na tren gayon din ang tawag ng mga tao.
Handa namang magbigay ng ayudang pinansyal sa pamilya ng biktima ang pamunuan ng PNR ani ni Geronimo.