Bibiyaheng Uber huhulihin -- LTFRB

MANILA, Philippines -  Huhulihin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga bibiyaheng Uber.

Ito ang binigyan diin ni LTFRB Chairman Martin Delgra III matapos na mag-operate ang Uber sa kabila ng suspensiyon laban dito.

“The use of the apps is suspended. If you still continue to do that then you will engage outside the para-meters... it means colorum ka,” ani Delgra.  

Ang sinumang mahu­huli ay pagmumultahin ng P120,000 at iiimpound ang sasakyan.

Nagsimulang i-offline ang operasyon ng Uber  kahapon ng alas- 6 ng umaga. Subalit na ni-reactivate ito matapos na maghain ng motion for reconsideration.

Sa kanilang motion reconsideration, giniit ng Uber na wala silang nilabag na kautusan ng LTFRB.  Sa katunayan mas nilabag ng suspension order ang kanilang right to due process.

Kahapon ay ibinasura na ng LTFRB ang MR na inihain ng Uber.

Show comments