^

Metro

Baggage loader huling nagnanakaw sa bagahe ng pasahero sa NAIA

Gilda Olividado - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Isang baggage loa-der ang hinuli ng mga awtoridad sa may terminal ramp baggage area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos itong makitang ninanakawan ng iba’t ibang klase ng mga alahas ang bagahe na pag-aari ng isang arriving passenger.

Ayon sa ulat, nakila­la ang suspek na isang Roger Daniel, na  ina­resto ng security personnel ng Aviation Ope­rations and Management, Inc. (AVOMSI) matapos makuha sa kamay nito ang apat na pirasong hikaw, dalawang kuwintas at relos na kinuha nito sa isang bagahe nang pasahero ng Etihad Airways.

Sa naantalang report, noong July 18 ay naispatan ni AVOMSI security specialist Meresa Porgadas ang suspek na kahina-hinala ang kilos habang nasa breakdown area ng mga bagahe. Dinadala ang mga bagahe sa conveyor belt na kinaro­roonan ng baggage carousel paakyat ng customs arrival area.

Ayon kay Porgadas, napansin nito ang suspek na tila may itinatago sa kanyang kamay kaya’t pinagdudahan niya ito at agad siyang lumapit para tanungin at isinagawa ang body search. Dito nakita sa   pag-iingat ng suspect ang mga ninakaw na alahas.

Si Daniel ay dinala  sa himpilan ng Airport Police Department upang isailalim sa masusing imbestigasyon.

Napag-alaman sa impormasyon na maraming reklamo ang natatanggap ng MIAA tungkol sa ilang nakawan sa mga bagahe ng mga du­marating na pasahero mula sa iba’t ibang airline companies.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with