PANOORIN: ‘Yantok cops’ dinisarmahan

MANILA, Philippines – Kasabay ng pagkakasipa, dinisarmahan na rin ang dalawang bagitong pulis Mandaluyong na nahuli sa video na nananakit ng kanilang inaresto.

Iniutos ni Eastern Police District Director Chief Superintendent Romulo Sapitula na disarmahan sina PO1 Jose Julius Tandog at PO1 Chito Enriquez.

BASAHIN: 2 bagitong pulis Mandaluyong sinibak sa pamamalo ng yantok

Sina Tandog at Enriquez ang mga pulis na nakuhaan ng video habang sinasaktan ang dalawang lalaki na inaresto dahil sa paglabag sa barangay curfew.

Pinag-iisipan naman ni Philippine National Police Director General Ronald dela Rosa na ipadala sa Marawi City ang dalawang pulis kung saan patuloy ang pakikipagbakbakan ng gobyerno sa Maute terror group.

Kasong kriminal at administratibo ang kinakaharap ng mga pulis.

Show comments