2 bus terminal sa QC ipinapasara ng MMDA
MANILA, Philippines - Inerekomenda kaha-pon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pansamantalang pagpapasara o pagpapatigil sa operasyon sa dalawang bus company sa Quezon City matapos na lu-mabag ang mga ito sa regulasyong ipinatutupad ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Sa ipinadalang sulat ni MMDA Officer-in-Charge Tim Orbos sa LTFRB Board, inirekomenda nito na pansamantalang itigil ang operasyon ng Roro Bus Terminal, na matatagpuan sa South Road, Brgy. Bagong Lipunan, Crame at Dimple Star Bus Terminal, nasa Main Avenue.
Ayon kay Orbos sa isinagawang ocular inspection ng mga MMDA personnel sa nasabing mga bus terminal, nadiskubreng ang mga operator nito ay nagkaroon ng mga ilang paglagbag, tulad ng hindi nakapag-provide ng mauupuan para sa mga naghihintay na mga pasahero.
Nadiskubre din ng MMDA, na ang naturang mga bus terminal ay walang konkretong pavement, flooring at roofing na proprotekta sa mga pasahero.
Samantala, nasa 146 ng mga motorista ang nasampolan o nahuli ng MMDA matapos lumabag ang mga ito sa Anti-Distracted Dri-ving (ADD) Law, No Contact Apprehension.
- Latest