Pulis itinumba sa tapat ng bahay
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - March 30, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines -  Dead-on-the-Spot ang isang pulis na nakatalaga sa Quezon City Police District (QCPD) nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin sa harap ng kaniyang bahay, sa Port Area, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si PO1 Jay Paguinto, 37, AWOl ang status  sa serbisyo, at residente ng  Baseco Compound, Port Area, Maynila. Nagtamo ito ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat ni SPO1 Joseph Kabigting ng Manila Police District-Homicide Section,  dakong alas- 5:15 ng hapon nang maganap ang insidente noong Marso 28 (kamakalawa) sa tapat ng bahay ng biktima.

Ayon sa imbestigasyon, nakitang may kausap ang bikti-ma sa harap ng kanyang bahay at base  sa mga pananalita ay galit na galit ito.

Hindi nagtagal ay umalingawngaw ang 3 magkakasunod na putok at nakitang nakahandusay na si Paguinto na duguan ang iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Wala namang nais magsalita sa mga saksi o residente ng lugar kaugnay sa pamamaril.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon sa insi-dente upang mabatud ang motibo at kung sino ang nasa likod ng pamamaslang.

Posibleng may kinalaman sa iligal na droga ang insidente at kinukumpirma pa ang mga impormasyong ang nasawi ay  suspek  sa pamamaslang sa dalawang indibiduwal na sangkot sa iligal na droga kamakailan lang.

 

QCPD
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with