Purok leader na aktibo sa paglaban sa droga, dinedo
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - March 30, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines -  Isang 67-anyos na Purok leader at presidente ng Tri­cycle Operators and Drivers Association (TODA) ang pinagbabaril hanggang sa mapatay  ng mga lalaking nakasuot ng maskara, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nakilala ang napaslang na si Rodolfo Barreto, ng  Brgy. 167 Bagong Silang, ng naturang lungsod.  Agad na tumakas ang dalawang salarin na nakasuot ng maskara lulan ng isang motorsiklo matapos ang isinagawang krimen.

Sa ulat, nagbabasa ng diyaryo sa loob ng isang bara-ngay outpost dakong alas-10 ng gabi ang biktima nang lapitan ng gunman at walang habas na pagbabarilin nang malapitan sa ulo at katawan.

Ayon sa anak ng biktima na si Grace, aktibo umano ang kanyang ama sa kampanya ng pamahalaan kontra sa iligal na droga sa kanilang barangay na maaaring dahilan ng pagpaslang sa kanya.  Nakakatanggap umano ang kanyang ama ng death threats bago ang pamamaril.

Sa pagtatanong rin ng mga  pulis sa mga miyembro ng TODA na pinamumunuan niya, nabatid na mabait na tao umano ang biktima na mistula na nilang ama.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng pulisya sa insidente na nagbeberepika sa kaugnayan ng sindikato ng iligal na droga na nasagasaan ng biktima sa pamamas-lang.()

TODA
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with