^

Metro

3-araw na tigil pasada, ikinakasa

Angie dela Cruz, Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Ikinasa ng transport group na  Stop and Go Coalition Nationwide ang tatlong araw na sunud-sunod na  tigil-pasada partikular sa Metro Manila kaugnay sa planong jeepney phase out.

Bagamat wala pang tak­dang araw magsisimu­la, sinabi ni Jun Magno, Presidente ng Stop and Go, ang hakbang ay bilang pagkondena ng grupo sa nakaumang na implemen-tasyon ng modernization pro­gram  ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga passenger jeepney sa bansa.

Dagdag ni Magno, ta-nging mga nagsusulong lang kasi ng modernization program ang kinausap ng LTFRB at ng Department of Transportation.

Kinastigo din nito ang nais ng LTFRB na pautangin ang jeepney operators ng P1.4 milyon para makabili ng bagong sasakyan at mapalitan ang mga lumang jeepney, gayung napakalaki ng tubo dito at wala man lamang babalikating tulong ang pamahalaan.

Sinabi ni Magno na mas mainam anya na isailalim na lamang sa rehabilitasyon ang mga lumang jeep para mapakinabangan pa at huwag na lamang ipatupad  ang jeepney phase out.

Tuloy naman ang plano ng LTFRB na alisin sa kalsada ang mga lumang jeep na may edad 15 years old pataas.

Samantala, umapila kahapon ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa transport group hinggil sa plano nilang tatlong araw na strike dahil malaki ang magiging epekto nito sa mga motorista at mga mananakay.

Ayon kay MMDA Ge- neral Manager Tim Orbos, lagi naman aniyang handang tumulong ang pamahalaan sa mga ma­apektuhang motorista at mananakay kapag may mga pagkilos, subalit mas makakabuti aniya na huwag na nilang ituloy ito at makipagdayalogo na lamang sa kanila para ayu­sin kung ano man aniya ang mga problema.

Matatandaan na nitong nakaraan ay nagsagawa     ng magkahiwalay na strike ang  Stop and Go at PISTON, na nagparalisa sa ilang motorista at commuters.

Ayon sa transport group, patuloy ang kanilang isa-sagawang pagkilos upang mariing tutulan ang balak ng gobyerno hinggil sa pag phase-out ng jeep na nasa mahigit na sa 15 taon.

“There is no sense in prolonging, adding agony to the people. Let’s talk instead and see if how are we going to resolve the problem,” ani Orbos.

vuukle comment

STOP AND GO COALITION NATIONWIDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with