2 pang suspek sa Korean kidnap-slay, tukoy na!

MANILA, Philippines - Dalawa pang pangu-nahing suspek sa kidnap-slay ng negosyanteng Ko­reano na si Jee Ick-Joo  ang natukoy ng PNP-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG).

Ito ang inihayag kaha-pon ni PNP-AKG Director P/Sr. Supt. Glenn Dumlao sa panayam ng PNP repor­ters sa pagdiriwang ng  ika-5 taong pagkakatatag ng tanggapan na kaniyang pinamumunuan.

“Basta may idadagdag kami na isa, dalawa. Parang principal sila rito sa kaso,” pahayag ni Dumlao na tumanggi munang tukuyin ang pagkakakilanlan sa dalawa pang suspect habang patuloy ang masu-sing imbestigasyon sa kaso.

Ayon kay Dumlao sa darating na Pebrero 26 sa preliminary investigation sa kaso ay ihahayag na nila ang mga pangalan ng dalawa pang karagdagang suspek sa kaso.

Una nang natukoy na  ang grupo ni SPO3 Ricky Sta. Isabel ang sangkot sa  pagdukot noong Oktubre 18, 2016 sa Angeles City, Pampanga kay Ick-Joo na pinaslang sa loob mismo ng Camp Crame.   Ang krimen ay nabulgar nitong ikalawang linggo ng Enero ng taong ito matapos namang dumulog na sa mga awto-ridad ang misis ni Ick-Joo  na si Choi Kyung Jin.

Ang labi ni Ick-Joo ay dinala sa Gream Funeral Parlor sa Brgy. Bagbaguin, Caloocan City kung saan sinasabing nai-cremate ito saka nai-flush ang abo sa toilet bowl.

Sa kasalukuyan, ayon kay Dumlao ay patuloy pa rin ang pangangalap ng ebidensya  ng PNP-AKG sa kasong ito.

Inihayag naman ng opis­yal na ang mastermind sa krimen ay pinakamaga-ling magtago sa pagkakasangkot nito sa kaso pero mga principal players na nagdadawit dito sa kidnap-slay kay Ick-Joo.

Samantalang idinag- dag pa ng opisyal na matibay ang kanilang kaso laban sa mga suspek. 

Show comments