Malawakang tigil-pasada, ikinasa vs excise tax sa langis

MANILA, Philippines - Nagbanta ng isang ma­lawakang tigil pasada sa buong bansa ang iba’t ibang  transport group para tutulan ang plano ng pamahalaan na maipatupad ang excise tax sa mga produktong petrolyo partikular na sa diesel.

Ayon kina Zenaida Maranan, national president ng Federation of Jeepney Opera­tors Drivers Associations of the Philippines (FEJODAP), at Melencio “Boy” Vargas, national president of Alliance of Transport Ope­rators Driver’s Associations of the Philippines (ALTODAP) na sa darating na huwebes ay magtitipun-tipon ang lahat ng transport group leader sa Luzon, Visayas and Mindanao para sa pinal na desisyunan sa ikinakasang nationwide protest.

Anila, ang pagkilos ang ka­una-unahan sa kasaysa­yan ng transport history sa bansa na magaganap nga­yong Enero sa ilalim ng Duterte Administration. 

“Lahat ito, taxi group, jeepney group, UV Express group at Vans group, school bus group, bus group, provin­cial at Metro Manila, truck lahat ng klaseng transport group ay magsasama-sama sa Thursday ng umaga upang desisyunan ang first ever na nationwide strikes laban sa excise tax na gustong ipatupad ng mga economic team ng administration, matagal na ito at posibleng sumabog at sasabog na nga dahil kung hindi pa mamatay na ang transport industry,” pahayag ni  Maranan at Vargas.

Anila, ang nationwide strike ang huli nilang hakbang para maiparating kay Pangulong Rody Duterte ang sentimiyen­to ng transport sector laban   sa excise tax sa gasoline.

Show comments