Mahigit 1,000 deboto naasistihan ng Red Cross
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - January 10, 2017 - 12:04am

MANILA, Philippines - Mahigit sa 1,000 deboto ng Black Na-zarene sa Quiapo Maynila ang nabigyan ng first aid ng Philippine Red Cross (PRC) kahapon.

Ayon sa PRC, pinakamaraming naisugod na deboto sa kanilang Liwasang Bonifacio station.

Karamihan sa mga nabigyan ng ‘medical attention’ ay mga deboto na tumaas ang blood pressure, nakaranas ng pagkahilo, pananakit ng ngipin, sugat sa paa, stiff neck, pasa at iba pa.

Nasa 30 deboto ang inirekomendang madala sa ospital dahil sa pananakit ng tiyan, hypertension at nagtamo ng bali sa katawan.

Habang sinusulat ang balitang ito ay dumarami pa ang mga isinusugod sa itinayong first aid station ng PRC.

Ayon kay PRC Chairman at Sen. Gordon, kabuuang 400 personnel ang kanyang idineploy sa buong rota ng prusisyon at pitong first aid stations at mga welfare desks ang kanilang itinayo sa Aquino monument, Round table (malapit sa Manila City Hall), Liwasang Bonifacio, Plaza Mexico (Post Office),  Lacson (Sta Cruz area), San Sebastian at malapit sa Quiapo Church.

Sinabi ni Gordon,13 PRC chapters ang magtulung-tulong sa pag-ayuda sa mga debotong nangailangan ng assistance.

Nagpakalat din ng PRC volunteers at    staff members na nagsagawa ng foot patrol, ambulance assistance/patient transport at water rescue na nagbigay medical at emergency assistance sa mga debotong nangailangan ng tulong.

Kabuuang 58 ambulansiya, amphibian, tatlong rescue boats, 6×6 military truck, fire truck, dalawang motorsiklo, rescue truck at humvee ng PRC ang idineploy sa palibot ng Quiapo.

Ang mga nasugatan deboto ay isinugod  ng PRC sa Jose Fabella Hospital, Jose Reyes Hospital, San Lazaro Hospital, Tondo Medical Center, Ospital ng Tondo, Ospital ng Sampaloc, Gat Andres Medical Center, Justice Abad Santos Memorial Medical Center, Sta. Ana Hospital, Philippine General Hospital at Ospital ng Maynila, matapos nila itong ma-bigyan ng first aid.

RED CROSS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with