^

1-taong gulang, dinukot sa Pasay

ABOUT SHOWBIZ - Lordeth Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - January 7, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines – Isang taong gulang na batang babae ang iniulat na dinukot ng hindi kilalang babae sa Pasay City.

Alas-4:00 kamakalawa ng hapon nang magtungo sa himpilan ng Pasay City Police  si Elenita Baguio, 27, ng Brgy.  91, Zone 9 ng naturang lungsod upang ireklamo ang ginawang pagdukot sa kanyang anak na si Sunshine.

Sa salaysay ni Elenita sa pulisya, naganap ang insidente ay noong Disyembre 29, 2016, alas-2:00 ng madaling araw sa panulukan ng Libertad St., at Park Avenue ng naturang siyudad.

Ayon kay Elenita, tinutulungan niya ang kanyang inang si Estrella na magtinda ng bibingka sa naturang lugar.

Nakatulog aniya siya katabi ang anak na si Sunshine, subalit paggising nito ay wala na ang bata.

Isang delivery boy  ang nakapagsabi sa kanya na ang bata ay kinuha ng isang babae at sumakay ang mga ito ng jeep  patungong FB Harrison.

Hindi muna kaagad nag­reklamo ang mga ito sa pulisya dahil nagsagawa muna sila ng paghahanap sa biktima. Subalit, hanggang sa ngayon ay hindi pa nila natatagpuan ang biktima.

Sa ngayon ay nagsasa­gawa ng imbestigasyon at follow-up operation ang Pasay City Police hinggil sa insidente.

PASAY CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with