Kelot dinedo habang nagti-text

MANILA, Philippines – Todas ang hindi pa kilalang lalaki nang barilin habang nagti-text sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Inilarawan ang biktima sa edad na 35 hanggang 40, 5’5 ang taas, maputi, balingkinitan at nakasuot ng maong na pantalon at blue na t-shirt.

Sa ulat ni PO3 Roderick Magpale ng Manila Police District-Homicide Section, bago makitang patay ang biktima,  nagawa pa umanong magtanong nito sa security guard na si Honorato Fenis, ng WLI Cargo, kung may nakitang babaeng dumaan na nakasuot ng shorts, bandang alas -10:55 ng gabi .

Pagkatapos nito ay umalis na ang biktima na patungo sa IBP Road sa Parola Compound, Tondo.

Hindi umano nagtagal ay nakarinig siya ng putok at nalaman niya na ang kanyang nakausap ang nakabulagta na duguan at may hawak na cellphone.

May nakakita pa na nagti-text pa umano ito habang nakatayo sa isang lugar bago pagbabarilin ng hindi kilalang salarin. Ludy Bermudo with trainee Jerick Hernane

Show comments